from the blog.

More Pamatay Pick-Up Lines From Icebag / Elbi Pie

If you liked the Cheesy Pinoy Pickup Lines, here are some more for you. These are top-caliber lines from the famous UPLB play Icebag / Elbi Pie. This is best enjoyed with LB music too.

These are not your regular Tagalog Pick Up Lines. Much of these lines’ appeal come from the actors’ delivery. You won’t really get that “boom” effect just by reading the lines by yourself.

1. “eto, ibigay mo sa kanya. mahilig s’ya d’yan. h’wag kang magulat. marunong din akong magmahal.”

2. “mamili ka: malinis kang bumagsak o marumi kang pumasa.”

3. “ayaw mo sa bakla, tanggap ko ‘yon. Gusto mong mamundok, Go! Gawin mo ang gusto mo, iwasan mo ako hangga’t gusto mo, pero hindi mo mapipigilang mahalin kita.”

4. “may ipagagawa ka pa ba sa akin para sukatin ang pagmamahal ko sa ‘yo?”

5. “Haler? Ako ba naiintindihan mo! Ngayon lang may nagmahal sa akin, ngayon lang may nakikinig sa akin. Alam mo ba kung ga’no katagal kong pinagdarasal na dumating ka sa buhay ko?”

6. “maraming mukha ang pag-ibig. Ito ang pinili ko. Ibibigay ang lahat-lahat.”

7. “dito, sa ibang lugar, napakawalan ko na ang tanging nagmahal sa akin.”

8. “sana h’wag mo sa akin ibigay ang lahat. Magtira ka ng konti para sa sarili mo. Sa gitna ng mga tunggalian, maganda pa rin ang buhay, hangga’t may pag-ibig, sa anumang mukha nito, sa anumang kulay, sa pinakamarahas mang kahulugan nito.”

9. “i was sitting beside you in STS, you never looked at me. I was sitting beside you in NASCI 2, you never glanced at me. I was sitting beside you in Math 11, you never noticed me. Now, I’m here, sitting beside you, as we are about to watch the play. The teasers say this is about love. You would have known love. If only you looked beside you.”

10. “sapagkat kaming lahat sa dula ay umibig at nadapa, walang takot kaming babangon upang umibig muli at ibahagi sa inyo ang tamis, ang pait, ang anghang at ang alat ng pag-ibig.”

11. “habang basa ang katawan n’ya ng nagsanib na pawis, hamog at ambon, at basa ang mukha n’ya ng mga luhang ayaw n’ya sanang tumulo, nadama kong kailangan n’ya ng mapag-along kamay, nadama kong kailangan n’ya ng mainit na dibdib. Noon ko s’ya unang minahal.”

12. “hindi na s’ya naalis sa aking isipan. Tumakas ako mula sa piitan ng aking pagka-diyosa. Bumaba ako mula sa aking kabundukan. Sinundan ko s’ya sa Lecture Hall A ng BioSci. Nagpanggap akong estudyante n’ya. Nilapitan n’ya ako. “Ang haba ng buhok natin, ha?” ang sabi n’ya. Ngumiti ako at nagwikang, “Darating ang araw, tayong dalawa, magsasama hanggang sa pagwawakas ng panahon.” Simula no’n, iniwasan na n’ya ako.”

13. “marahil, kahit panawan man ng katinuan, hindi pa rin nakakalimot ang pag-ibig.”

14. “sapagkat ang pag-ibig ay hindi nakakalimot. Walang pag-ibig ang nabubura sa alaala.”

15.”Babae: H’wag mo akong bilangan ng oras. ComArts ako. Galit ako sa numero.
Lalake: Mahal ko ang mga numero.
Babae: D’yan ka lang magaling. Sa numero.
Lalake: AMath ako.
Babae: Syotain mo ang mga numero mo.

16. “marami na akong pinalampas, marami na akong sinubukan, ngayong natagpuan na kita, ikaw lang ang gusto kong yakapin.”

17. “bagay sa inyo ang de lata. Kulungang lata n’yo ang isa’t isa.”

18. “ok lang kahit marami akong kahati sis, basta mahalin din lang n’ya ako”

19. “sabi ng mga brods ko, kung ang cellphone daw ay pabago-bago ng modelo, ikaw naman daw pabago-bago ng isip. Mahirap ka raw pakisamahan. Mahirap ka raw mahalin. Pero kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako. Kung nalulungkot ka, tawagin mo lang ako. Handa kitang samahan sa lahat ng pagbabago mo, maghirap man ako.”

20. “Lalake: (Uupo, kakain) Tapusin na natin ‘to.
Babae: Ang pagkain o ang relasyon?
Lalake: Pareho.

21. “Inibig kita at inibig mo ako. Noon. Iba na ngayon.

22. Thea: Bukas muli.
Irvine: Alam kong babalik ka.
Thea: Hindi ako babalik, Irvine. Hindi bumabalik ang hindi nakaalis.
Irvine: H’wag mong ipako ang sarili mo sa pagmamahalan natin. Marami pang iba. Subukan mong umibig sa iba.
Thea: Isa lang ang puso ko. Naibigay ko na sa ‘yo.

23. “ayusin mo ‘yang mukha mo. Ayusin mo ‘yang buhay mo. Hindi dapat pinag-aaksayahan ng luha at lalo na ng buhay ang isang lalakeng ayaw naman sa ‘yo at wala namang pakialam sa luha at buhay mo. LAlake lang s’ya, maraming lalake.”

24. “nagsasawa rin ang pagmamahal. sawa na ako sa ‘yo”

25. “di tulad ni darna, di mo na kailangan ng bato. umibig ka lang, lulutang ka.” edited: “hindi mo na kailangang lumunok ng bato para lumipad…umibig ka lang … pustahan tayo lulutang ka” (limot ko na talaga hahaha)

26. “ganyan ang banga, nakatayo o nakabaligtad man, handang manilbihan. Parang ako, walang pinipiling pwesto. Parang pag-ibig ko, walang pinipiling kondisyon.”

27. “Then be my prince charming. Give me my happy ending

28. “Lahi kayo ng mga sugarol. At sabi mo, ang pag-ibig ay sugal.”

29. “ang pag-ibig ay para lamang sa matatapang.”

30. “punta na akong Baker. Aayusin ko pa ang rebound ko. Siguro mas magaling akong magrebound ngayon. Sinanay mo na ako. Ginawa mo na akong rebound.”

31. “napaunawa ko na sa ‘yo ang sarap at ligaya ng pag-ibig. Iisa na lamang ang natitira pang maaari kong ipaunawa sa ‘yo. Ipapaunawa ko sa ‘yo ang kung paanong masaktan.”

32. “BL: Tingnan mo ang spaghetti, buhol-buhol ang mga noodles, mapula ang kulay, parang dugo. Ganyan sa pag-ibig, buhol-buhol ang mga buhay, madugo dahil maraming dalang pasakit. Pero tinikman mo, masarap, kadalasan parang ayaw mo nang tigilan. Tikman mo ang spaghetti.
MB: Ikaw ang may paborito sa spaghetti.
BL: Hanapin mo ako, kung handa mo nang tikman ang spaghetti.

33. “Parang pagsalo lang sa tinapong bola. Saluhin mo rin ako, takot na akong magpagulong-gulong sa kalungkutan.”

34. “naghanap pa s’ya ng iba, nandito naman ako, 24 hours available, parang mercury drug.”

35. “ikaw na dahilan ng lahat ng luhang sinalo ng aking unan, ikaw pa rin ang alaalang kukumot sa akin, sa mga gabing malamig ang pag-iisa”

PAHABOL

36. “sisisirin ko ang impiyerno, makikipagbuno ako sa mga diyablo, upang sa huli, perlas kang aking hahanguin”

37. noon, mahal kita. ngayon, mahal na mahal kita.’

PAHABOL ULI

38. “iced tea dapat ‘yan pero di ko pinalagyan ng yelo. dapat sa ‘yo mainit. masyado nang malamig ang puso mo.”

39. “nirequire kaming manood ng romeo and juliet. akala ko, makikilala ko na rin ang pag-ibig. pero wala akong naramdaman. wala ka sa tabi ko.”

40. “kahit ano’ng gawin ng taong mahal ka, walang panama sa sandaling matingnan ka lang ng taong mahal mo.”

41. “ito ang sandaling lagi kong babalik-balikan.”

credits: http://entrelanoche.multiply.com/journal/item/196

If you have a chance to drop by at Los Banos or or if you any chance at all, be sure to watch Elbi Pie or Icebag. I guarantee you wont regret it.

Hirs moar!

Share Your Cheesy Tagalog Pick-up Lines!

You may also like

Why I DESERVE That Android Phone

Jehzlau-concepts is giving away an Android phone. And I deserve that thing in my hands. Seriously. Not much long ago, I got a new phone but I am not really that happy about it. Now I know why. But more importantly, the fates conspired this. Look: I have lost a phone twice. And I think […]

No Stock!

The wait continues! It’s Tuesday and I texted DBGadgetes. They are sure nice and they reply almost immediately. I just wish they have better news. I understand that the Holidays are here. But if I wait until Friday then that means I’ve been waiting for almost a week for them. I texted last weekend and […]

3 Comments

  1. I was able to watch ICEBAG 6,7,8,… and so on.. and 1 Elbi PiE. Ice bag was way way better. ^___^ i have always been a fan of the lines in the play. better to watch it live. pag binabasa na lang, wala nang sipa eh. 🙂 – an alumni from graduating class of 2010.

  2. @Anon on January 4, 2011 7:18 PM – tama ka! Walang dating pag binabasa lang. Mas maganda yung napapanuod talaga. Hehe mga lumang Icabag napanuod ko. Batch ’02 ako e. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *